Ngayon, ang aking ama, si Lehi, ay nangusap ng maraming bagay sa kanila, at gayon din sa mga anak na lalaki ni Ismael; subalit masdan, sila ay nangusap ng maraming pananakot laban sa sinumang magsasalita para sa akin; at ang aking mga magulang na matatanda na, at nagdanas ng lubhang maraming pagdadalamhati dahil sa kanilang mga anak, sila ay naratay, oo, maging sa kanilang higaan. [i]2234[/i] Dahil sa kanilang pagdadalamhati at labis na kalungkutan, [i]2696[/i] at sa kasamaan ng aking mga kapatid, sila ay nalapit sa kalagayang halos ay muntik nang makipagkita sa kanilang Diyos; oo, ang kanilang mapuputing buhok ay malapit nang humimlay sa alabok; [i]2235[/i] oo, maging hanggang sa sila ay halos muntik nang maihulog nang may kalungkutan sa matubig na libingan. [i]1332[/i]