1 Nephi 4:14–17

At ngayon, nang ako, si Nephi, ay marinig ang mga salitang ito, naalaala ko ang mga salita ng Panginoon na winika niya sa akin sa ilang, sinasabing:

Habang ang iyong mga binhi ay sumusunod sa aking mga kautusan,
_sila ay uunlad sa lupang pangako.

Oo, at naisip ko ring hindi nila masusunod ang mga kautusan ng Panginoon alinsunod sa mga batas ni Moises, maliban kung nasa kanila ang mga batas. At alam ko rin na ang mga batas ay nakaukit sa mga laminang tanso. At muli, alam kong ibinigay ng Panginoon si Laban sa aking mga kamay para sa layuning ito—upang mapasaakin ang mga talaan alinsunod sa kanyang mga kautusan.

From section: Ang Huling Pagtatangkang Kunin Ang Mga Laminang Tanso

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary