1 Nephi 18:9–10

At makaraang kami ay maitaboy ng hangin sa loob ng maraming araw, [i]2692[/i] masdan, ang aking mga kapatid at ang mga anak na lalaki ni Ismael at gayon din ang kanilang mga asawa ay nagsimulang magsaya, kung kaya nga’t sila ay nagsimulang sumayaw, at umawit, at magsalita nang may labis na kagaspangan, oo, maging hanggang sa kanilang malimutan sa anong kapangyarihan sila nadala roon; oo, sila ay natangay sa labis na kagaspangan. [i]2228[/i]

At ako, si Nephi, ay nagsimulang matakot nang labis na baka ang Panginoon ay magalit sa amin, at bagabagin kami dahil sa aming kasamaan, na kami ay malulon sa kailaliman ng dagat; kaya nga, ako, si Nephi, ay nagsimulang magsalita sa kanila nang mahinahon; [i]2693[/i] subalit masdan, sila ay nagalit sa akin, sinasabing:

Ayaw namin na ang aming nakababatang kapatid ang siyang mamuno sa amin.

From section: Ang Paglisan Patungo sa Lupang Pangako

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary