At ito ay nangyari na, na tinawag niya ang pangalan ng ilog na, Laman, at ito ay umuuho patungo sa Dagat na Pula; at ang lambak ay nasa mga hangganang malapit sa bukana niyon. At nang makita ng aking ama na ang mga tubig ng ilog ay umuuho patungo sa bukal ng Dagat na Pula, siya ay nangusap kay Laman, sinasabing:
O sana ay maging katulad ka ng ilog na ito, patuloy na umaagos patungo sa bukal ng lahat ng kabutihan!
At siya ay nangusap din kay Lemuel:
O sana ay maging katulad ka ng lambak na ito, matibay at matatag, at hindi matitinag sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon!
At ito ay nangyari na, na ang aking ama ay nangusap sa kanila sa lambak ng Lemuel, nang may kapangyarihan, na puspos ng Espiritu,... [i]1258[/i]