1 Nephi 2:11–13

Ngayon, ito ay nasabi niya dahil sa katigasan ng leeg nina Laman at Lemuel; [i]2086[/i] sapagkat masdan, sila ay bumubulung-bulong sa maraming bagay laban sa kanilang ama, [i]2629[/i] dahil sa siya ay isang mapangitaing tao, at inakay sila palabas sa lupain ng Jerusalem, upang iwan ang lupaing kanilang mana, at ang kanilang ginto, at ang kanilang pilak, at ang kanilang mahahalagang bagay, upang mangasawi sa ilang. At sinabi nila na ito ay ginawa niya dahil sa mga hangal na guni-guni ng kanyang puso.

At sa gayon sina Laman at Lemuel, na mga nakatatanda, ay bumulung-bulong laban sa kanilang ama. At sila ay bumulung-bulong sapagkat hindi nila nalalaman ang mga pakikitungo ng Diyos na siyang lumikha sa kanila. Ni hindi sila naniniwala na ang Jerusalem, ang dakilang lunsod, ay maaaring mawasak alinsunod sa mga salita ng mga propeta. At sila ay katulad ng mga Judio na nasa Jerusalem, na naghangad na kitlin ang buhay ng aking ama. [i]1257[/i]

From section: Ang Paglikas Mula sa Jerusalem

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary