1 Nephi 5:14–16

At ito ay nangyari na, na natagpuan din ng aking amang si Lehi, sa mga laminang tanso, ang talaangkanan ng kanyang mga ama; [i]1141[/i] [i]2660[/i] sa gayon nalaman niya na siya ay inapo ni Jose; oo, maging iyon ding si Jose na anak ni Jacob, na ipinagbili sa Egipto, at pinangalagaan ng kamay ng Panginoon upang mapangalagaan niya ang kanyang ama, si Jacob, at ang kanyang buong sambahayan mula sa pagkasawi sa taggutom. At sila ay pinalaya rin mula sa pagkabihag, at mula sa lupain ng Egipto, ng yaon ding Diyos na nangalaga sa kanila. At sa gayon natuklasan din ng aking amang si Lehi ang talaangkanan ng kanyang mga ama.

From section: Ang Muling Pagtitipon ng Pamilya ni Lehi

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary