At aming nakuha ang mga talaang [i]2118[/i] iniutos ng Panginoon sa amin, at sinaliksik ang mga yaon at natuklasan na ang mga yaon ay kanais-nais; oo, maging napakahalaga para sa amin [i]2661[/i] kung kaya’t maaari naming mapanatili ang mga kautusan ng Panginoon sa aming mga anak.
At namasdan niya na yaon ay naglalaman ng limang aklat ni Moises, [i]2119[/i] na nagbibigay-ulat sa paglikha ng daigdig, at gayon din kina Adan at Eva, na ating mga unang magulang; At gayundin ng talaan ng mga Judio mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias, hari ng Juda; At ng mga propesiya rin ng mga banal na propeta, mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias; at marami rin sa mga propesiyang binigkas ng bibig ni Jeremias.