At nang kami ay nakabalik na sa tolda ng aking ama, masdan, ang kanilang kagalakan ay nalubos, at ang aking ina ay naaliw.
At ito ay nangyari na, na matapos kaming magtungo sa ilang sa aming ama, masdan, siya ay napuspos ng galak, at gayon din, ang aking inang si Saria ay lubhang nagalak, sapagkat tunay na siya ay nagdalamhati dahil sa amin.
At siya ay nangusap, sinasabing:
Ngayon nalalaman ko nang may katiyakan na ang Panginoon ang nag-utos sa aking asawa na tumakas patungo sa ilang; oo, at nalalaman ko rin nang may katiyakan na pinangalagaan ng Panginoon ang aking mga anak, at iniligtas sila mula sa mga kamay ni Laban, at binigyan sila ng kapangyarihan upang maisagawa nila ang bagay na iniutos ng Panginoon sa kanila.
At sa ganitong pamamaraan ng pananalita siya ay nangusap. At ito ay nangyari na, na sila ay lubhang nagalak, at nag-alay ng hain at mga handog na susunugin sa Panginoon; at sila ay nagbigay ng pasalamat sa Diyos ng Israel.
At matapos na sila ay makapagbigay-pasasalamat sa Diyos ng Israel, kinuha ng aking amang si Lehi ang mga talaang nakaukit sa mga laminang tanso, at sinaliksik niya ang mga yaon mula sa simula.
At aming nakuha ang mga talaang iniutos ng Panginoon sa amin, at sinaliksik ang mga yaon at natuklasan na ang mga yaon ay kanais-nais; oo, maging napakahalaga para sa amin kung kaya’t maaari naming mapanatili ang mga kautusan ng Panginoon sa aming mga anak.
At namasdan niya na yaon ay naglalaman ng limang aklat ni Moises, na nagbibigay-ulat sa paglikha ng daigdig, at gayon din kina Adan at Eva, na ating mga unang magulang; At gayundin ng talaan ng mga Judio mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias, hari ng Juda; At ng mga propesiya rin ng mga banal na propeta, mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias; at marami rin sa mga propesiyang binigkas ng bibig ni Jeremias.
At ito ay nangyari na, na natagpuan din ng aking amang si Lehi, sa mga laminang tanso, ang talaangkanan ng kanyang mga ama; sa gayon nalaman niya na siya ay inapo ni Jose; oo, maging iyon ding si Jose na anak ni Jacob, na ipinagbili sa Egipto, at pinangalagaan ng kamay ng Panginoon upang mapangalagaan niya ang kanyang ama, si Jacob, at ang kanyang buong sambahayan mula sa pagkasawi sa taggutom. At sila ay pinalaya rin mula sa pagkabihag, at mula sa lupain ng Egipto, ng yaon ding Diyos na nangalaga sa kanila. At sa gayon natuklasan din ng aking amang si Lehi ang talaangkanan ng kanyang mga ama.
At ngayon, nang mapag-alaman ng aking ama ang lahat ng bagay na ito, siya ay napuspos ng Espiritu, at nagsimulang magpropesiya hinggil sa kanyang mga binhi— Na ang mga laminang tansong ito ay hahayo sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao na kanyang mga binhi. Samakatwid, sinabi niya na ang mga laminang tansong ito ay hindi kailanman masisira; ni hindi palalabuin ng panahon. At siya ay nagpropesiya ng maraming bagay hinggil sa kanyang mga binhi.
At ito ay nangyari na, na sa gayon ako at ang aking ama nakasunod sa mga kautusang iniutos sa amin ng Panginoon.
Anupa’t ito ay naaayon sa karunungan ng Panginoon na dapat naming dalhin ang mga yaon, habang kami ay naglalakbay sa ilang patungo sa lupang pangako.
At ngayon nais ko na sana’y inyong malaman, na matapos magpropesiya ang aking amang si Lehi, hinggil sa kanyang mga binhi, ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay muling nangusap sa kanya, sinasabing hindi marapat na ang mag-anak lamang niya, ni Lehi, ang isama niya sa ilang; kundi ang kanyang mga anak na lalaki ay nararapat magsama ng mga babae upang maging mga asawa, nang sila ay magkaroon ng binhi para sa Panginoon sa lupang pangako.
At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nag-utos sa kanya na ako, si Nephi, at ang aking mga kapatid, ay nararapat na magsibalik na muli sa lupain ng Jerusalem, at ipagsama si Ismael at ang kanyang mag-anak sa ilang.