At ngayon nais ko na sana’y inyong malaman, na matapos magpropesiya ang aking amang si Lehi, hinggil sa kanyang mga binhi, ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay muling nangusap sa kanya, sinasabing hindi marapat na ang mag-anak lamang niya, ni Lehi, ang isama niya sa ilang; kundi ang kanyang mga anak na lalaki ay nararapat magsama ng mga babae upang maging mga asawa, [i]2121[/i] nang sila ay magkaroon ng binhi para sa Panginoon sa lupang pangako.
At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nag-utos sa kanya na ako, si Nephi, at ang aking mga kapatid, ay nararapat na magsibalik na muli sa lupain ng Jerusalem, [i]2663[/i] at ipagsama si Ismael at ang kanyang mag-anak sa ilang. [i]2122[/i]