At aming nakuha ang mga talaang iniutos ng Panginoon sa amin, at sinaliksik ang mga yaon at natuklasan na ang mga yaon ay kanais-nais; oo, maging napakahalaga para sa amin kung kaya’t maaari naming mapanatili ang mga kautusan ng Panginoon sa aming mga anak.
At namasdan niya na yaon ay naglalaman ng limang aklat ni Moises, na nagbibigay-ulat sa paglikha ng daigdig, at gayon din kina Adan at Eva, na ating mga unang magulang; At gayundin ng talaan ng mga Judio mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias, hari ng Juda; At ng mga propesiya rin ng mga banal na propeta, mula sa simula, maging hanggang sa pagsisimula ng paghahari ni Zedekias; at marami rin sa mga propesiyang binigkas ng bibig ni Jeremias.