At ito ay nangyari na, na habang nanatili ang aking ama sa ilang ay nangusap siya sa amin, sinasabing:
Masdan, nanaginip ako ng isang panaginip; o, sa ibang salita, nakakita ako ng pangitain. At masdan, dahil sa nakita kong bagay, may dahilan ako upang magalak sa Panginoon dahil kay Nephi at gayon din kay Sam; sapagkat may dahilan ako upang mag-akala na sila, at marami rin sa kanilang mga binhi, ay maliligtas. Subalit masdan, Laman at Lemuel, labis akong natatakot dahil sa inyo; sapagkat masdan, inakala kong nakakita ako sa aking panaginip, ng isang madilim at mapanglaw na ilang.
At ito ay nangyari na, na matapos sabihin ng aking ama ang lahat ng kanyang panaginip o pangitain, na marami, sinabi niya sa amin, na dahil dito sa mga bagay na nakita niya sa pangitain, labis siyang natatakot para kina Laman at Lemuel; oo, natatakot siya na baka itakwil sila mula sa harapan ng Panginoon. At pagkatapos kanyang pinayuhan sila, lakip ang lahat ng damdamin ng isang nagmamahal na magulang, na makinig sila sa kanyang mga salita, na baka sakaling maawa ang Panginoon sa kanila, at hindi sila itakwil; oo, pinangaralan sila ng aking ama.
At matapos niyang pangaralan sila, at nagpropesiya rin sa kanila ng maraming bagay, kanyang sinabihan silang sundin ang mga kautusan ng Panginoon; at huminto siya sa pagsasalita sa kanila.
Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na matapos huminto ang aking ama sa pagsasalaysay ng mga salita ng kanyang panaginip, at pagpapayo rin sa kanila sa pagsusumigasig, nangusap din siya sa kanila hinggil sa mga Judio—
At sa ganitong pamamaraan ng pananalita ang aking ama ay nagpropesiya at nangusap sa aking mga kapatid, at marami pa ring bagay na hindi ko isinulat sa aklat na ito; sapagkat isinulat ko ang marami sa mga yaong inaakala kong kapaki-pakinabang sa isa ko pang aklat.