At ito ay nangyari na, na marami ang nangalunod sa kailaliman ng bukal; at marami ang nangawala sa kanyang paningin, nagpagala-gala sa mga di kilalang daan. At napakarami ng taong pumasok sa loob ng yaong di pangkaraniwang gusali.
At matapos silang makapasok sa gusaling yaon ay itinuro nila ang mapanlibak nilang daliri sa akin at sa mga yaong kumakain din ng bunga; subalit hindi namin sila pinansin. Ito ang mga salita ng aking ama:
Kasindami ng pumansin sa kanila, ay nangaligaw. At hindi kumain ng bunga sina Laman at Lemuel, wika ng aking ama. At nakita rin niya ang marami pang tao na umaapuhap sa kanilang daraanan patungo sa malaki at maluwang na gusali.