At ito ay nangyari na, na may lumitaw na abu-abo ng kadiliman; [i]1032[/i] oo, maging isang napakalaking abu-abo ng kadiliman, kung kaya nga’t sila na mga nagsimula sa landas ay nangaligaw, at sila ay nagpagala-gala at nangawala.
At ito ay nangyari na, na nakamalas ako ng iba pang nagpapatuloy sa paglalakad, at nagtungo sila at mahigpit na humawak sa dulo ng gabay na bakal; at sila ay nagpatuloy sa paglalakad sa abu-abo ng kadiliman, mahigpit na nakakapit sa gabay na bakal, maging hanggang sa makalapit sila at makakain ng bunga ng punungkahoy. At matapos na makakain sila ng bunga ng punungkahoy ay nagpalingun-lingon sila na sa wari ay nahihiya. [i]1302[/i]