At nagpalingun-lingon din ako, at nakamalas, sa kabila ng ilog ng tubig, ng isang malaki at maluwang na gusali; [i]1030[/i] at nakatayo ito na sa wari ay nasa hangin, sa itaas ng lupa. At puno ito ng tao, kapwa matanda at bata, kapwa lalaki at babae; at ang paraan ng kanilang pananamit ay labis na mainam; at sila ay nasa ayos ng panlalait at pagtuturo ng kanilang daliri roon sa mga yaong nagsitungo at kumakain ng bunga. At matapos na matikman nila ang bunga sila ay nahiya, dahil sa mga yaong humahamak sa kanila; at nangagsilayo sila patungo sa mga ipinagbabawal na landas at nangawala. [i]1303[/i]