At nakamalas ako ng gabay na bakal, at ito ay nasa kahabaan ng pampang ng ilog, at patungo sa kinatatayuan kong punungkahoy. At nakamalas din ako ng makipot at makitid na landas, sa kahabaan ng gabay na bakal, maging sa kinatatayuan kong punungkahoy, at patungo rin ito sa dulo ng bukal, [i]2140[/i] patungo sa malaki at malawak na parang, na sa waring ito ay isang daigdig. [i]1300[/i]
At nakakita ako ng di mabilang na lipumpon ng mga tao, marami sa kanila ay nagpapatuloy sa paglalakad, upang kanilang matamo ang landas patungo sa kinatatayuan kong punungkahoy. At ito ay nangyari na, na nagtungo sila, at nagsimula sa landas na patungo sa punungkahoy. [i]1301[/i]