Oo, maging anim na raang taon mula nang lisanin ng aking ama ang Jerusalem, isang propeta ang ibabangon ng Panginoong Diyos sa mga Judio—maging isang Mesiyas, [i]2145[/i] o, sa ibang salita, isang Tagapagligtas ng sanlibutan.
At nangusap din siya hinggil sa mga propeta, na napakalaking bilang ang nagpatotoo sa mga bagay na ito, hinggil sa Mesiyas na ito, na kanyang nabanggit, o itong Manunubos ng sanlibutan. Samakatwid, ang buong sangkatauhan ay nasa ligaw at nahulog na kalagayan, at maliligtas lamang kung sila ay aasa sa Manunubos na ito.