At nangusap din siya hinggil sa isang propetang darating bago ang Mesiyas, na siyang maghahanda ng daan para sa Panginoon— Oo, maging siya man ay magtutungo at mangangaral sa ilang:
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
_tuwirin ninyo ang kanyang mga landas;
_sapagkat may isang nakatayo sa inyo
_na hindi ninyo nakikilala.At higit siyang makapangyarihan kaysa akin,
_na kung kaninong panali ng pangyapak
_ay hindi ako karapat-dapat na magkalas.
At marami pang sinabi ang aking ama hinggil sa bagay na ito. At sinabi ng aking ama na siya ay magbibinyag sa Betabara, sa kabila ng Jordan; at sinabi rin niya na siya ay magbibinyag sa pamamagitan ng tubig; maging ang Mesiyas ay bibinyagan niya sa tubig. [i]2146[/i] At matapos niyang mabinyagan sa pamamagitan ng tubig ang Mesiyas, kanyang mamamasdan at patototohanang nabinyagan niya ang Kordero ng Diyos, na siyang mag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.