At ito ay nangyari na, na matapos sabihin ng aking ama ang mga salitang ito siya ay nangusap sa aking mga kapatid hinggil sa ebanghelyong ipangangaral sa mga Judio, at hinggil din sa panghihina ng mga Judio sa kawalang-paniniwala.
At matapos nilang patayin ang Mesiyas, na paparito, [i]2147[/i] at matapos siyang patayin siya ay babangon mula sa patay, at ipakikilala niya ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga Gentil. Oo, maging ang aking ama ay maraming sinabi hinggil sa mga Gentil, at hinggil din sa sambahayan ni Israel, na sila ay ihahalintulad sa isang punong olibo, [i]1044[/i] na babaliin ang mga sanga at ikakalat sa lahat ng dako ng mundo.