Anupa’t sinabi niya na talagang kinakailangang akayin tayo nang sama-sama sa lupang pangako, tungo sa ikatutupad ng salita ng Panginoon, na tayo ay ikakalat sa lahat ng dako ng mundo. At matapos na ikalat ang sambahayan ni Israel, sila ay muling sama-samang titipunin; o, sa lalong maliwanag, matapos matanggap ng mga Gentil ang kabuuan ng Ebanghelyo, ang mga likas na sanga ng punong olibo, o ang mga labi ng sambahayan ni Israel, ay ihuhugpong, o darating sa kaalaman ng tunay na Mesiyas, na kanilang Panginoon at kanilang Manunubos.