1 Nephi 10:17–22

At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, matapos na marinig ang lahat ng salita ng aking ama, hinggil sa mga bagay na nakita niya sa pangitain, at yaon ding mga bagay na sinabi niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, isang kapangyarihang natanggap niya sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos—at ang Anak ng Diyos ang Mesiyas na paparito—ako, si Nephi, ay nagnais ding aking makita, at marinig, at malaman ang mga bagay na ito, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, na siyang kaloob ng Diyos sa lahat ng yaong masisigasig na humahanap sa kanya, kapwa sa sinaunang panahon at maging sa panahong ipakikita niya ang kanyang sarili sa mga anak ng tao.

Sapagkat siya rin ang kahapon, ngayon, at magpakailanman;
_at ang daan ay nakahanda para sa lahat ng tao
_mula pa sa pagkakatatag ng daigdig,
_kung sakali mang sila ay magsisisi at lalapit sa kanya.

Sapagkat siya na naghahanap nang masigasig ay makasusumpong;
_at ang mga hiwaga ng Diyos ay ilalahad sa kanila,
_sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo,
_kapwa sa panahong ito at sa sinaunang panahon,
_at kapwa sa sinaunang panahon at sa panahong darating;

anupa’t ang hakbangin ng Panginoon ay isang walang hanggang pag-ikot.

Samakatwid tandaan, O tao,
_sapagkat sa lahat ng inyong gagawin kayo ay dadalhin sa paghahatol.

Anupa’t kung hinangad ninyong gumawa ng kasamaan
_sa mga araw ng inyong pagsubok,
_sa gayon matatagpuan kayong marurumi sa harapan ng hukumang-luklukan ng Diyos;
_at walang maruming bagay ang makapananahanang kasama ng Diyos;
_kaya nga, tiyak na kayo ay itatakwil magpakailanman.

At ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng kapangyarihan
_na sabihin ko ang mga bagay na ito,
_at huwag ipagkait ang mga bagay na yaon.

From section: Ang Tugon at Pag-unawa ni Nephi

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary