At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, matapos na marinig ang lahat ng salita ng aking ama, hinggil sa mga bagay na nakita niya sa pangitain, at yaon ding mga bagay na sinabi niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, isang kapangyarihang natanggap niya sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos—at ang Anak ng Diyos ang Mesiyas na paparito—ako, si Nephi, ay nagnais ding aking makita, at marinig, at malaman ang mga bagay na ito, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, na siyang kaloob ng Diyos sa lahat ng yaong masisigasig na humahanap sa kanya, kapwa sa sinaunang panahon at maging sa panahong ipakikita niya ang kanyang sarili sa mga anak ng tao.
Sapagkat siya rin ang kahapon, ngayon, at magpakailanman;
at ang daan ay nakahanda para sa lahat ng tao
mula pa sa pagkakatatag ng daigdig,
kung sakali mang sila ay magsisisi at lalapit sa kanya.
Sapagkat siya na naghahanap nang masigasig ay makasusumpong;
at ang mga hiwaga ng Diyos ay ilalahad sa kanila,
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo,
kapwa sa panahong ito at sa sinaunang panahon,
at kapwa sa sinaunang panahon at sa panahong darating;
anupa’t ang hakbangin ng Panginoon ay isang walang hanggang pag-ikot.
Samakatwid tandaan, O tao,
sapagkat sa lahat ng inyong gagawin kayo ay dadalhin sa paghahatol.
Anupa’t kung hinangad ninyong gumawa ng kasamaan
sa mga araw ng inyong pagsubok,
sa gayon matatagpuan kayong marurumi sa harapan ng hukumang-luklukan ng Diyos;
at walang maruming bagay ang makapananahanang kasama ng Diyos;
kaya nga, tiyak na kayo ay itatakwil magpakailanman.
At ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng kapangyarihan
na sabihin ko ang mga bagay na ito,
at huwag ipagkait ang mga bagay na yaon.
Sapagkat ito ay nangyari na, na matapos kong naising malaman ang mga bagay na nakita ng aking ama, at naniniwala na ang Panginoon ay magagawang ipaalam sa akin ang mga bagay na yaon, habang nakaupo akong nagbubulay-bulay sa aking puso...
At ito ay nangyari na, na matapos ako, si Nephi, ay matangay sa espiritu, at nakita ang lahat ng bagay na ito, bumalik ako sa tolda ng aking ama.
At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang aking mga kapatid, at nagtatalu-talo sila sa isa’t isa hinggil sa mga bagay na sinabi ng aking ama sa kanila. Sapagkat tunay na maraming kamangha-manghang bagay ang kanyang sinabi sa kanila, na mahirap maunawaan, maliban lamang kung ang isang tao ay magtatanong sa Panginoon; at sila, sapagkat matitigas ang puso, samakatwid hindi sila lumapit sa Panginoon na siyang nararapat.
At ngayon, ako, si Nephi, ay nagdalamhati dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at gayon din, dahil sa mga bagay na aking nakita, at nalalaman kong tiyak na mangyayari ang mga yaon dahil sa labis na kasamaan ng mga anak ng tao.
At ito ay nangyari na, na ako ay nadaig ng aking mga paghihirap, sapagkat inaakala ko na ang aking mga paghihirap ay higit sa lahat, dahil sa pagkalipol ng aking mga tao, sapagkat namasdan ko ang kanilang pagbagsak. At ito ay nangyari na, na matapos akong makatanggap ng lakas ako ay nangusap sa aking mga kapatid, nagnanais na malaman sa kanila ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
At sinabi nila:
Masdan, hindi namin maunawaan ang mga salita ng ating ama hinggil sa mga likas na sanga ng punong–olibo, at hinggil din sa mga Gentil.
At sinabi ko sa kanila:
Nagtanong ba kayo sa Panginoon?
At sinabi nila sa akin:
Hindi; sapagkat walang ipinaaalam na gayong bagay ang Panginoon sa amin.
Masdan, sinabi ko sa kanila:
Ano’t hindi ninyo sinusunod ang mga kautusan ng Panginoon? Bakit kayo ay masasawi, dahil sa katigasan ng inyong mga puso? Hindi ba ninyo natatandaan ang mga bagay na sinabi ng Panginoon?—
‘Kung hindi ninyo patitigasin ang inyong mga puso, at magtatanong sa akin nang may pananampalataya, naniniwalang makatatanggap kayo, nang may pagsusumigasig sa pagsunod sa aking mga kautusan, tiyak na ipaaalam sa inyo ang mga bagay na ito.’
Masdan, sinasabi ko sa inyo, na ang sambahayan ni Israel ay inihahalintulad sa isang punong olibo, ng Espiritu ng Panginoon na nasa ating ama; at masdan, hindi ba’t tayo ay binali mula sa sambahayan ni Israel, at hindi ba’t tayo ay isang sanga ng sambahayan ni Israel? At ngayon, ang ibig sabihin ng ating ama hinggil sa paghuhugpong ng mga likas na sanga sa pamamagitan ng kaganapan ng mga Gentil, ay, na sa mga huling araw, kapag ang ating mga binhi ay nanghina sa kawalang-paniniwala, oo, sa loob ng maraming taon, at maraming salinlahi matapos magpakita ang Mesiyas sa katawang-tao sa mga anak ng tao, pagkatapos ang kabuuan ng ebanghelyo ng Mesiyas ay darating sa mga Gentil, at mula sa mga Gentil patungo sa mga labi ng ating mga binhi—
At sa araw na yaon ay malalaman ng labi ng ating mga binhi na sila ay kabilang sa sambahayan ni Israel, at na sila ang mga pinagtipanang tao ng Panginoon; at pagkatapos makikilala nila at makararating sila sa kaalaman ng kanilang mga ninuno, at gayon din sa kaalaman ng ebanghelyo ng kanilang Manunubos, na kanyang ipinangaral sa kanilang mga ama; anupa’t makararating sila sa kaalaman ng kanilang Manunubos at sa bawat bahagi ng kanyang doktrina, nang malaman nila kung paano lalapit sa kanya at maligtas. At pagkatapos sa araw na yaon hindi ba’t sila ay magagalak at magbibigay-papuri sa kanilang Diyos na walang hanggan, ang kanilang bato at kanilang kaligtasan? Oo, sa araw na yaon, hindi ba’t matatanggap nila ang lakas at pagkain mula sa tunay na baging? Oo, hindi ba’t sila ay magtutungo sa tunay na kawan ng Diyos?
Masdan, sinasabi ko sa inyo, Oo; muli silang maaalaala sa sambahayan ni Israel; ihuhugpong sila, bilang likas na sanga ng punong olibo, sa tunay na punong olibo. At ito ang ibig sabihin ng ating ama; at ipinapakahulugan niya na hindi ito mangyayari hangga’t hindi sila naikakalat ng mga Gentil; at ipinapakahulugan niyang magmumula ito sa pamamagitan ng mga Gentil, upang maipakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa mga Gentil, dahil na rin sa natatanging kadahilanan na itatakwil siya ng mga Judio, o ng sambahayan ni Israel. Anupa’t ang ating ama ay hindi lamang tumutukoy sa ating mga binhi, kundi gayon din sa buong sambahayan ni Israel, tumutukoy sa mga tipang matutupad sa mga huling araw; kung aling tipan ay ginawa ng Panginoon sa ating amang si Abraham, sinasabing: Sa iyong mga binhi pagpapalain ang lahat ng lahi sa mundo.
At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay nangusap nang marami sa kanila hinggil sa mga bagay na ito; oo, nangusap ako sa kanila hinggil sa pagpapanumbalik ng mga Judio sa mga huling araw. At inulit ko sa kanila ang mga salita ni Isaias, na nangusap hinggil sa pagpapanumbalik ng mga Judio, o ng sambahayan ni Israel; at matapos silang mapanumbalik sila ay hindi na malilito pa, ni makakalat na muli.
At ito ay nangyari na, na marami akong sinabing salita sa aking mga kapatid, kung kaya’t sila ay napapayapa at nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Panginoon.
At ito ay nangyari na, na muli silang nangusap sa akin, sinasabing: Ano ang kahulugan ng bagay na ito na nakita ng ating ama sa panaginip? Ano ang kahulugan ng punungkahoy na kanyang nakita?
At sinabi ko sa kanila: Ito ay sumasagisag sa punungkahoy ng buhay.
At sinabi nila sa akin: Ano ang kahulugan ng gabay na bakal na nakita ng ating ama, na patungo sa punungkahoy? At sinabi ko sa kanila na ito ang salita ng Diyos; at sinuman ang makikinig sa salita ng Diyos, at mahigpit na kakapit dito, kailanman sila ay hindi masasawi; ni ang mga tukso o nag-aapoy na sibat ng kaaway ay makapananaig sa kanila tungo sa pagkabulag, upang akayin sila sa pagkalipol.
Kaya nga, ako, si Nephi, ay pinayuhan silang pakinggan ang salita ng Panginoon; oo, pinayuhan ko sila lakip ang lahat ng lakas ng aking kaluluwa, at lahat ng kaalamang aking taglay, na sila ay makinig sa salita ng Diyos at tandaang sundin ang kanyang mga kautusan sa tuwina sa lahat ng bagay.
At sinabi nila sa akin: Ano ang kahulugan ng ilog ng tubig na nakita ng ating ama?
At sinabi ko sa kanila:
At sinabi nila sa akin: Ang ibig bang sabihin ng bagay na ito ay pagdurusa ng katawan sa mga araw ng pagsubok, o ang kahulugan ba nito ay kahuli-hulihang kalagayan ng kaluluwa matapos ang kamatayan ng katawang lupa, o tumutukoy ba ito sa mga bagay na temporal?
At ito ay nangyari na, na sinabi ko sa kanila:
At sa gayon ako nangusap sa aking mga kapatid. Amen.
At ngayon ito ay nangyari na, na matapos na ako, si Nephi, ay magwakas sa pangungusap sa aking mga kapatid, masdan, sinabi nila sa akin:
Ikaw ay nagpahayag sa amin ng masasakit na bagay,
higit kaysa kaya naming tiisin.
At ito ay nangyari na, na sinabi ko sa kanila na alam kong ako ay nagsalita ng masasakit na bagay laban sa masasama, alinsunod sa katotohanan; at ang mabubuti ay binigyang-katwiran ko, at nagpatotoo na sila ay dadakilain sa huling araw; anupa’t ang may kasalanan ay tumatanggap ng katotohanan nang may kahirapan; sapagkat iyon ay sumusugat sa kanila sa kaibuturan. At ngayon mga kapatid ko, kung kayo ay mabubuti at nahahandang makinig sa katotohanan, at bigyang-unawa ito, nang kayo ay makalakad nang matwid sa harapan ng Diyos, kung magkagayon kayo ay hindi magbubulung-bulong dahil sa katotohanan, at sasabihing:
Ikaw ay nangungusap ng masasakit na bagay laban sa amin.