Subalit masdan, sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay hindi marumi, at walang anumang maruming bagay ang makapapasok sa kaharian ng Diyos; anupa’t tiyak na may lugar ng karumihang inihanda para sa yaong marurumi. At may lugar na inihanda, oo, maging yaong kakila-kilabot na impiyerno na aking sinabi, at ang diyablo ang naghanda nito; kaya nga, ang kahuli-hulihang kalagayan ng kaluluwa ng tao ay manahanan sa kaharian ng Diyos, o itakwil dahil sa yaong katarungang aking sinabi. Sa gayon, ang masasama ay ihihiwalay sa mabubuti, at gayon din sa yaong punungkahoy ng buhay, na ang bunga ay pinakamahalaga at pinakakanais-nais sa lahat ng iba pang bunga; oo, at ito ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos.