Na sumasagisag ito sa mga bagay na kapwa temporal at espirituwal; sapagkat darating ang araw na sila ay tiyak na hahatulan sa kanilang mga gawa, oo, maging ang mga gawang ginawa ng katawang lupa sa mga araw ng kanilang pagsubok. Anupa’t kung sila ay mamamatay sa kanilang mga kasamaan sila ay tiyak ding itatakwil, alinsunod sa mga bagay na espirituwal, na tumutukoy sa kabutihan; kaya nga, tiyak na sila ay dadalhin upang tumayo sa harapan ng Diyos, upang hatulan sa kanilang mga gawa; at kung ang kanilang mga gawa ay karumihan sila ay tiyak na marurumi; at kung sila ay marurumi, tiyak na sila ay hindi makapananahanan sa kaharian ng Diyos; sapagkat kung magkakagayon, ang kaharian ng Diyos ay tiyak na marumi rin.