At ito ay nangyari na, na matapos ako, si Nephi, ay matangay sa espiritu, at nakita ang lahat ng bagay na ito, bumalik ako sa tolda ng aking ama. [i]2188[/i]
At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang aking mga kapatid, at nagtatalu-talo sila sa isa’t isa hinggil sa mga bagay na sinabi ng aking ama sa kanila. [i]2187[/i] Sapagkat tunay na maraming kamangha-manghang bagay ang kanyang sinabi sa kanila, na mahirap maunawaan, maliban lamang kung ang isang tao ay magtatanong sa Panginoon; at sila, sapagkat matitigas ang puso, samakatwid hindi sila lumapit sa Panginoon na siyang nararapat.
At ngayon, ako, si Nephi, ay nagdalamhati dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at gayon din, dahil sa mga bagay na aking nakita, at nalalaman kong tiyak na mangyayari ang mga yaon dahil sa labis na kasamaan ng mga anak ng tao.