[1 Nephi 15:21–36] Ang maruming tubig ay simbolo ng impiyerno.

Na ang tubig na nakita ng aking ama ay karumihan; at sa dami ng mga iba pang bagay na nasa kanyang isipan ay hindi na niya namasdan ang karumihan ng tubig. At sinabi ko sa kanila na ito ay isang kakila-kilabot na look, na humihiwalay sa masasama mula sa punungkahoy ng buhay, at gayon din sa mga banal ng Diyos. At sinabi ko sa kanila na ito ay sumasagisag sa yaong kakila-kilabot na impiyerno, na sinabi sa akin ng anghel na inihanda para sa masasama.

From section: Ang Tugon at Pag-unawa ni Nephi

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary