At ito ay nangyari na, na muli silang nangusap sa akin, sinasabing: Ano ang kahulugan ng bagay na ito na nakita ng ating ama sa panaginip? Ano ang kahulugan ng punungkahoy na kanyang nakita?
At sinabi ko sa kanila: Ito ay sumasagisag sa punungkahoy ng buhay.
At sinabi nila sa akin: Ano ang kahulugan ng gabay na bakal na nakita ng ating ama, na patungo sa punungkahoy? At sinabi ko sa kanila na ito ang salita ng Diyos; at sinuman ang makikinig sa salita ng Diyos, at mahigpit na kakapit dito, kailanman sila ay hindi masasawi; ni ang mga tukso o nag-aapoy na sibat ng kaaway ay makapananaig sa kanila tungo sa pagkabulag, upang akayin sila sa pagkalipol.
Kaya nga, ako, si Nephi, ay pinayuhan silang pakinggan ang salita ng Panginoon; oo, pinayuhan ko sila lakip ang lahat ng lakas ng aking kaluluwa, at lahat ng kaalamang aking taglay, na sila ay makinig sa salita ng Diyos at tandaang sundin ang kanyang mga kautusan sa tuwina sa lahat ng bagay.
At sinabi nila sa akin: Ano ang kahulugan ng ilog ng tubig na nakita ng ating ama?
At sinabi ko sa kanila:
[quote]4becc77f3a56e[/quote]
At sinabi nila sa akin: Ang ibig bang sabihin ng bagay na ito ay pagdurusa ng katawan sa mga araw ng pagsubok, o ang kahulugan ba nito ay kahuli-hulihang kalagayan ng kaluluwa matapos ang kamatayan ng katawang lupa, o tumutukoy ba ito sa mga bagay na temporal?
At ito ay nangyari na, na sinabi ko sa kanila:
[quote]4becc77f3a56f[/quote]
At sa gayon ako nangusap sa aking mga kapatid. Amen.