[1 Nephi 8:4–35] Sumali ang mga miyembro ng pamilya

At nang nagpalingun-lingon ako, nagbabaka sakaling matagpuan ko rin ang aking mag-anak, nakamalas ako ng isang ilog ng tubig; [i]1135[/i] at ito ay dumadaloy, at malapit ito sa punungkahoy kung saan ako kumakain ng bunga. At nagmasid ako upang mamasdan kung saan ito nagmula; at nakita ko ang dulo nito sa di kalayuan; at sa dulo nito ay namasdan ko ang inyong inang si Saria, at si Sam, at si Nephi; [i]2138[/i] at nakatayo sila na waring hindi alam kung saan sila patutungo.

At ito ay nangyari na, na kinawayan ko sila; [i]1298[/i] at sinabihan ko rin sila sa isang malakas na tinig na dapat silang lumapit sa akin, at kumain ng bunga, na higit na kanais-nais sa lahat ng iba pang bunga. At ito ay nangyari na, na lumapit sila sa akin at kumain din ng bunga. [i]1031[/i] [i]2139[/i]

From section: Ang Panaginip ni Lehi

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary