[1 Nephi 8:4–35] Pagdating sa puno na nagbubunga ng matamis na prutas

At ito ay nangyari na, matapos akong manalangin sa Panginoon ako ay nakamalas ng malaki at malawak na parang. At ito ay nangyari na, na nakamalas ako ng isang punungkahoy, [i]2136[/i] na ang bunga ay kanais-nais upang makapagpaligaya sa tao. [i]2056[/i] At ito ay nangyari na, na lumapit ako at kumain ng bunga nito; [i]2137[/i] at napagtanto ko na napakatamis nito, higit pa sa lahat ng natikman ko na. [i]1296[/i]

Oo, at namasdan ko na ang bunga niyon ay puti, higit pa sa lahat ng kaputiang nakita ko na. At nang kinain ko ang bunga niyon ay pinuspos nito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan; anupa’t nagsimula akong magkaroon ng pagnanais na makakain din nito ang aking mag-anak; sapagkat alam ko na ito ay higit na kanais-nais sa lahat ng iba pang bunga. [i]1297[/i]

From section: Ang Panaginip ni Lehi

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary