1 Nephi 17:48–49

...at nang sila ay palapit na upang pagbuhatan ako ng kamay ako ay nangusap sa kanila, sinasabing: [i]2684[/i]

Sa pangalan ng Pinakamakapangyarihang Diyos, inuutusan ko kayong huwag ninyo akong salingin, [i]2683[/i] sapagkat ako ay puspos ng kapangyarihan ng Diyos, maging hanggang sa pagkadaig ng aking laman; at sinuman ang magbubuhat ng kamay sa akin ay malalantang katulad ng tuyong tambo; at siya ay mawawalang-kabuluhan sa harapan ng kapangyarihan ng Diyos, sapagkat babagabagin siya ng Diyos.

At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay nagsabi sa kanila na huwag na silang bumulung-bulong pa laban sa kanilang ama; ni huwag nilang ipagkait ang kanilang gawain sa akin, sapagkat ang Diyos ang siyang nag-utos sa akin na ako ay gumawa ng sasakyang-dagat. [i]1322[/i]

From section: Ang Pagdating sa Bountiful

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary