At ngayon, ako, si Nephi, na isang lalaking may malaking bulas, at nakatanggap din ng pambihirang lakas mula sa Panginoon, samakatwid sinunggaban ko ang tagapagsilbi ni Laban, [i]2111[/i] [i]2656[/i] at pinigilan siya, upang huwag siyang makatakas. [i]1284[/i]
At ito ay nangyari na, na ako ay nangusap sa kanya, na kung pakikinggan niya ang aking mga salita, yamang ang Panginoon ay buhay, at habang ako ay nabubuhay, at kung makikinig siya sa aming mga salita, hahayaan namin siyang mabuhay. At ako ay nangusap sa kanya, maging nang may panunumpa, na hindi siya dapat matakot; na siya ay magiging isang malayang tao na katulad namin kung siya ay bababa sa amin sa ilang. At nangusap din ako sa kanya, sinasabing:
Tunay na ang Panginoon ang nag-utos sa aming gawin ang bagay na ito; at dapat ba kaming hindi maging masikap sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon? Kung gayon, kung bababa ka sa ilang sa aking ama, ikaw ay magkakaroon ng lugar sa amin.