1 Nephi 16:35–36

At ito ay nangyari na, na ang mga anak na babae ni Ismael ay labis na nagdalamhati, [i]2206[/i] dahil sa pagkawala ng kanilang ama, at dahil sa kanilang mga paghihirap sa ilang; at sila ay bumulung-bulong laban sa aking ama, dahil sa inilabas niya sila sa lupain ng Jerusalem, sinasabing:

Ang aming ama ay patay na; oo, at kami ay labis na nagpagala-gala sa ilang, at kami ay nagdanas ng labis na paghihirap, gutom, uhaw, at pagod; at matapos ang maraming pagdurusang ito kami ay tiyak na mamamatay sa gutom sa ilang.

At sa gayon sila bumulung-bulong laban sa aking ama, at gayon din, laban sa akin; [i]2675[/i] at sila ay nagnais na bumalik na muli sa Jerusalem.

From section: Ang Mga Suliranin sa Nahom

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary