At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay nangusap sa aking ama:
Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon, [i]1139[/i] sapagkat nalalaman ko na ang Panginoon ay hindi magbibigay ng mga kautusan sa mga anak ng tao, maliban sa siya ay maghahanda ng paraan para sa kanila upang kanilang maisagawa ang bagay na kanyang ipinag-uutos sa kanila.
At ito ay nangyari na, nang marinig ng aking ama ang mga salitang ito siya ay lubhang nagalak, sapagkat kanyang napagtanto na ako ay pinagpala ng Panginoon. [i]1264[/i]