At ito ay nangyari na, na nangusap siya sa akin, sinasabing: [i]1261[/i]
Masdan, ako ay nanaginip ng isang panaginip, [i]2634[/i] na kung saan ang Panginoon ay nag-utos sa akin na ikaw at ang iyong mga kapatid ay magbalik sa Jerusalem. Sapagkat masdan, na kay Laban ang talaan ng mga Judio at gayon din ang isang talaangkanan ng aking mga ninuno, at ang mga yaon ay nakaukit sa mga laminang tanso. [i]2635[/i]
Anupa’t ang Panginoon ay nag-utos sa akin na ikaw at ang iyong mga kapatid ay nararapat magtungo sa tahanan ni Laban, at hanapin ang mga talaan, at dalhin ang mga yaon dito sa ilang.
At ngayon, masdan, ang iyong mga kapatid ay bumubulung-bulong, [i]2091[/i] sinasabing isang mahirap na bagay ang aking hinihingi sa kanila; [i]2636[/i] subalit masdan, hindi ako ang humihingi sa kanila, kundi ito ay isang kautusan ng Panginoon. Kung gayon humayo, anak ko, at ikaw ay kakasihan ng Panginoon, sapagkat ikaw ay hindi bumubulung-bulong. [i]1262[/i]
At si Laban ay inapo rin ni Jose, kaya nga iniingatan niya at ng kanyang mga ama ang mga talaan. [i]1263[/i]