1 Nephi 7:18–19

At ito ay nangyari na, nang sabihin ko ang mga salitang ito, masdan, ang mga lubid ay nakalag mula sa aking mga kamay at paa, at ako ay tumayo sa harapan ng aking mga kapatid, at ako ay muling nangusap sa kanila.

At ito ay nangyari na, na muli silang nagalit sa akin, at hinangad na pagbuhatan ako ng mga kamay; ngunit masdan, isa sa mga anak na babae ni Ismael, oo, at gayon din ang kanyang ina, at isa sa mga anak na lalaki ni Ismael, ang nagmakaawa sa aking mga kapatid, kung kaya nga’t napalambot nila ang kanilang mga puso; at sila ay tumigil sa pagtatangkang kitlin ang aking buhay.

From section: Ang Muling Pagbabalik sa Jerusalem Upang Kunin ang Pamilya ni Ishmael

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary