At ito ay nangyari na, nang ang aking ama ay bumangon sa umaga, at nagtungo sa pinto ng tolda, sa kanyang malaking pagkamangha, namasdan niya sa lupa ang isang bilog na bola na kahanga-hanga ang pagkakagawa; [i]2668[/i] [i]2194[/i] [i]1037[/i] at iyon ay yari sa purong tanso. At sa loob ng bola ay may dalawang ikiran; at ang isa ay itinuturo ang daan kung saan kami nararapat magtungo sa ilang. [i]1305[/i]
...sa bagay na tinatawag ng ating mga ama na isang bola, o tagagabay—o kung tawagin ito ng ating mga ama ay Liahona, na sa pagkakasalin, ay isang aguhon; at inihanda ito ng Panginoon. At masdan, walang sino mang tao ang maaaring makagawa alinsunod sa kahanga-hangang pagkakagawa nito. At masdan, ito ay inihanda upang ipakita sa ating mga ama ang daan kung saan sila nararapat maglakbay sa ilang. [i]1035[/i]
...sa bola o aguhon, [i]1038[/i] na pumatnubay sa ating mga ama sa ilang, na inihanda ng kamay ng Panginoon nang sa gayon sila ay mapatnubayan, bawat isa alinsunod sa pakikinig at pagsusumigasig na kanilang ibinibigay sa kanya. Anupa’t dahil sa hindi sila naging matapat, hindi sila umunlad ni sumulong sa kanilang paglalakbay, kundi itinaboy pabalik, at sumapit ang galit ng Diyos sa kanila; at kaya nga, binagabag sila sa pamamagitan ng taggutom at masidhing paghihirap, upang pukawin sila sa pag-alaala ng kanilang tungkulin.