...at kanyang inakalang nakita niya ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono, [i]2075[/i] napaliligiran ng di mabilang na lipumpon ng mga anghel na nasa ayos ng pag-awit at pagpupuri sa kanilang Diyos. At ito ay nangyari na, na kanyang nakita ang Isa na bumababa mula sa gitna ng langit, [i]2076[/i] at namasdan niya na ang kanyang liwanag ay higit pa kaysa sa araw sa katanghaliang tapat. At kanya ring nakita ang labindalawang iba pa na sumusunod sa kanya, at ang kanilang liwanag ay mahigit pa kaysa sa mga bituin sa kalangitan.