At ngayon ako, si Nephi, dahil sa nalulungkot sa katigasan ng kanilang mga puso, samakatwid, ako ay nangusap sa kanila, sinasabing, oo, maging kay Laman, at kay Lemuel: [i]2666[/i]
Masdan kayo ay mga nakatatandang kapatid ko, at paanong napakatigas ng inyong mga puso, at napakabulag ng inyong mga isip, na kinakailangan ninyo na ako, ang inyong nakababatang kapatid, ay mangusap sa inyo, oo, at magbigay ng halimbawa sa inyo? Paanong kayo ay hindi makatalima sa mga salita ng Panginoon? Paanong nakalimutan ninyo na nakakita kayo ng anghel ng Panginoon? Oo, at paanong nakalimutan ninyo ang mga dakilang bagay na ginawa ng Panginoon para sa atin, sa pagliligtas sa atin mula sa mga kamay ni Laban, at gayon din upang makuha natin ang talaan?
Oo, at paanong nakalimutan ninyo na kayang gawin ng Panginoon ang lahat ng bagay alinsunod sa kanyang kalooban, alang-alang sa mga anak ng tao, kung tunay na ginagamit nila ang pananampalataya sa kanya? Kaya nga, tayo ay maging matapat sa kanya.
At kung tunay na magiging matapat tayo sa kanya, ating matatamo ang lupang pangako; at malalaman ninyo sa darating na panahon na ang salita ng Panginoon ay matutupad hinggil sa pagkawasak ng Jerusalem; sapagkat lahat ng bagay na sinabi ng Panginoon hinggil sa pagkawasak ng Jerusalem ay tiyak na matutupad. Sapagkat masdan, ang Espiritu ng Panginoon ay hihinto kapagdaka sa pananatili sa kanila; sapagkat masdan, itinakwil nila ang mga propeta, at si Jeremias ay kanilang itinapon sa bilangguan. At kanilang hinangad na kitlin ang buhay ng aking ama, kung kaya nga’t kanilang naitaboy siya palabas ng lupain.
Ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo na kung kayo ay magsisibalik sa Jerusalem kayo rin ay masasawing kasama nila. At ngayon, kung kayo ay makapipili, umahon kayo sa lupain, at tandaan ang mga salitang sinasabi ko sa inyo, na kung kayo ay paroroon kayo ay masasawi rin; sapagkat sa gayon ang Espiritu ng Panginoon ay nagpipilit na ako ay magsalita. [i]1292[/i]