At inakala niyang ako ang panginoon [i]2652[/i] niyang si Laban, sapagkat namasdan niya ang mga kasuotan at gayon din ang espada na nakabigkis sa aking balakang. At siya ay nangusap sa akin hinggil sa mga elder ng mga Judio, sapagkat nalalaman niya na ang kanyang panginoon, si Laban, ay lumabas nang gabing yaon na kasama nila. At nakipag-usap ako sa kanya na para bang si Laban. [i]2108[/i]