At ito ay nangyari na, na siya ay naging masunurin sa salita ng Panginoon, anupa’t siya ay sumunod gaya ng ipinag-utos ng Panginoon sa kanya. [i]2626[/i] [i]1034[/i] At ito ay nangyari na, na siya ay lumisan patungo sa ilang. At iniwan niya ang kanyang tahanan, [i]2618[/i] at ang lupaing kanyang mana, at ang kanyang ginto, at ang kanyang pilak, at ang kanyang mahahalagang bagay, at wala siyang dinala maliban sa kanyang mag-anak, at mga panustos, at mga tolda, at lumisan patungo sa ilang. [i]2083[/i]
At siya ay naglakbay sa may mga hangganan na malapit sa dalampasigan ng Dagat na Pula; at siya ay naglakbay sa ilang sa mga hangganang mas malapit sa Dagat na Pula; at siya ay naglakbay sa ilang kasama ang kanyang mag-anak, [i]2061[/i] na binubuo ng aking ina, si Saria, at ng mga nakatatanda kong kapatid na sina Laman, Lemuel, at Sam. [i]1254[/i]