1 Nephi 2:1–2

Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap sa aking ama, oo, maging sa isang panaginip, [i]2625[/i] at sinabi sa kanya:

Pinagpala ka Lehi, dahil sa mga bagay na iyong ginawa; at sapagkat ikaw ay naging matapat at ipinahayag sa mga taong ito ang mga bagay na aking ipinag-utos sa iyo, masdan, hangad nilang kitlin ang iyong buhay.

At ito ay nangyari na, na inutusan ng Panginoon ang aking ama, maging sa isang panaginip, na nararapat niyang ipagsama ang kanyang mag-anak at lumisan patungo sa ilang. [i]1253[/i] [i]1084[/i]

From section: Ang Paglikas Mula sa Jerusalem

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary