1 Nephi 18:14–15,20

At sa ikaapat na araw, na kami ay itinaboy pabalik, ang bagyo ay nagsimulang maging lalong matindi. [i]1334[/i] [i]2699[/i] At ito ay nangyari na, na kami ay halos malulon na sa kailaliman ng dagat. [i]2232[/i] At makaraang kami ay itaboy pabalik sa ibabaw ng mga tubig sa loob ng apat na araw, nagsimulang matanto ng aking mga kapatid na ang mga kahatulan ng Diyos ay napasakanila, at sila ay tiyak na masasawi maliban kung sila ay magsisisi sa kanilang mga kasamaan; kaya nga, lumapit sila sa akin, at kinalag ang mga gapos sa aking mga galanggalangan, [i]2233[/i] [i]2700[/i] at masdan, ang mga ito ay labis na namaga; at gayon din, ang aking bukung-bukong ay lubhang namaga, at labis ang pananakit niyon. [i]1335[/i]


At walang iba maliban sa kapangyarihan ng Diyos, na nagbanta sa kanila ng pagkalipol, ang maaaring makapagpalambot sa kanilang mga puso; anupa’t nang kanilang mapagtanto na sila ay malapit nang malulon sa kailaliman ng dagat na pinagsisihan nila ang bagay na kanilang ginawa, kung kaya nga’t ako ay kinalagan nila.

From section: Ang Paglisan Patungo sa Lupang Pangako

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary