At ito ay nangyari na, nang mabasa ng aking ama at masaksihan ang maraming dakila at kagila-gilalas na bagay, siya ay napabulalas ng maraming bagay sa Panginoon; gaya ng:
Dakila at kagila-gilalas ang iyong mga gawa, O Panginoong Diyos na Pinakamakapangyarihan! Ang iyong trono ay mataas sa kalangitan, at ang iyong kapangyarihan, at kabutihan, at awa ay sumasalahat ng mga naninirahan sa mundo; at, sapagkat ikaw ay maawain, hindi mo ipahihintulot na yaong mga lumalapit sa iyo ay mangasawi!
At ganito ang pamamaraan ng pananalita ng aking ama sa pagpupuri sa kanyang Diyos; sapagkat ang kanyang kaluluwa ay nagalak, [i]2080[/i] at ang kanyang puso ay napuspos, dahil sa mga bagay na kanyang nakita, oo, dahil sa ipinakita ng Panginoon sa kanya.