At ito ay nangyari na, na ang aking ama ay nangusap sa kanya, sinasabing:
Alam ko na ako ay isang mapangitaing tao; sapagkat kung hindi ko nakita ang mga bagay ng Diyos sa isang pangitain, hindi ko sana naunawaan ang kabutihan ng Diyos, kundi namalagi na lamang sa Jerusalem, at nasawi kasama ang aking mga kapatid. Ngunit masdan, aking natamo ang isang lupang pangako, at sa bagay na ito ako ay nagagalak; oo, at alam kong ililigtas ng Panginoon ang aking mga anak mula sa mga kamay ni Laban, at ibabalik silang muli sa atin sa ilang.
At sa ganitong pamamaraan ng pananalita inaliw ng aking amang si Lehi ang aking inang si Saria, hinggil sa amin,...