1 Nephi 3:15–21

Subalit masdan, sinabi ko sa kanila na:

Yamang ang Panginoon ay buhay, at habang tayo ay nabubuhay, hindi tayo bababa sa ating ama sa ilang hangga’t hindi natin naisasagawa ang bagay na ipinag-uutos ng Panginoon sa atin. [i]2641[/i] Samakatwid, tayo ay magpakatapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon; kaya nga, tayo ay bumaba sa lupaing mana ng ating ama, sapagkat masdan kanyang iniwan ang ginto at pilak, at lahat ng uri ng kayamanan.

At ang lahat ng ito ay kanyang ginawa dahil sa mga kautusan ng Panginoon. Sapagkat nalalaman niya na ang Jerusalem ay tiyak na mawawasak, dahil sa kasamaan ng mga tao. Sapagkat masdan, kanilang tinanggihan ang mga salita ng mga propeta. Anupa’t kung ang aking ama ay maninirahan sa lupain matapos na siya ay utusang tumakas sa lupaing ito, masdan, siya ay masasawi rin.

Kaya nga, talagang kinakailangan na siya ay tumakas sa lupain. At masdan, iyon ay karunungan sa Diyos na nararapat nating makuha ang mga talaang ito, upang mapanatili natin para sa ating mga anak ang wika ng ating mga ama; At upang atin ding mapanatili sa kanila ang mga salitang ipinahayag ng bibig ng lahat ng banal na propeta, na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu at kapangyarihan ng Diyos, magmula pa noong simula ng daigdig, maging hanggang dito sa kasalukuyang panahon.

At ito ay nangyari na, na alinsunod sa ganitong pamamaraan ng pananalita ay hinikayat ko ang aking mga kapatid, upang sila ay maging matapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. [i]1269[/i]

From section: Ang Pagbabalik sa Jerusalem upang Kunin ang Mga Laminang Tanso

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary