1 Nephi 17:2–4,12–13

At napakalaki ng pagpapala ng Panginoon sa amin, na samantalang kami ay nabubuhay sa hilaw na karne sa ilang, ang aming kababaihan ay nagbigay ng saganang gatas sa kanilang mga anak, [i]2211[/i] at malalakas, oo, maging katulad ng kalalakihan; at nagsimula nilang batahin ang kanilang mga paglalakbay nang walang mga karaingan.


At sa gayon nakikita natin na ang mga kautusan ng Diyos ay tiyak na matutupad. At kung mangyayari na ang mga anak ng tao ay susunod sa mga kautusan ng Diyos kanya silang palulusugin, at pinalalakas sila, at naglalaan ng paraan upang kanilang maisagawa ang bagay na kanyang iniuutos sa kanila; anupa’t siya ay naglaan ng aming ikabubuhay habang kami ay pansamantalang naninirahan sa ilang. At kami ay pansamantalang nanirahan sa ilang sa loob ng maraming taon, [i]2210[/i] oo, maging walong taon sa ilang.


Sapagkat hindi kami pinahintulutan ng Panginoon na kami ay magpaningas ng maraming apoy, habang kami ay naglalakbay sa ilang; sapagkat sinabi niya:

Gagawin kong matamis ang pagkain ninyo, nang hindi na ninyo ito iluto; At ako rin ang magiging tanglaw ninyo sa ilang; at ihahanda ko ang landas na inyong tatahakin, kung mangyayaring inyong susundin ang mga kautusan ko; anupa’t habang inyong sinusunod ang aking mga kautusan, kayo ay aakayin patungo sa lupang pangako; at malalaman ninyo na sa pamamagitan ko kayo ay naakay.

Oo, at sinabi rin ng Panginoon na:

Matapos na kayo ay makarating sa lupang pangako, makikilala ninyo na Ako, ang Panginoon, ay Diyos; at na Ako, ang Panginoon, ang nagligtas sa inyo sa pagkalipol; oo, na inilabas ko kayo sa lupain ng Jerusalem. [i]2212[/i]

From section: Ang Mga Suliranin sa Nahom

From page: Mga Lehites sa Jerusalem at Arabia

Commentary