Ngayon, sinasabi niya na ang Panginoon ay nakipag-usap sa kanya, at gayon din na ang mga anghel ay naglingkod sa kanya. Ngunit masdan, nalalaman natin na siya ay nagsisinungaling sa atin; at sinasabi niya ang mga bagay na ito sa atin, at siya ay nagsasagawa ng maraming bagay sa pamamagitan ng kanyang tusong pamamaraan, upang madaya niya ang ating mga mata, sa pag-aakala, marahil, na madadala niya tayo sa isang di kilalang ilang; at matapos na tayo ay kanyang mailigaw palayo, binalak niyang gawing hari ang kanyang sarili at isang pinuno natin, upang magawa niya sa atin ang naaalinsunod sa kanyang kagustuhan at kasiyahan.
At sa ganitong pamamaraan pinukaw ng aking kapatid na si Laman ang kanilang mga puso upang magalit. [i]1313[/i]