At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay pinakasalan ang isa sa mga anak na babae ni Ismael upang maging asawa; [i]2192[/i] [i]2667[/i] at gayon din, pinakasalan ng aking mga kapatid ang mga anak na babae ni Ismael upang maging mga asawa; at gayon din, pinakasalan ni Zoram ang pinakamatandang anak na babae ni Ismael upang maging asawa. [i]1088[/i] At sa gayon natupad ng aking ama ang lahat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa kanya. At gayon din, ako, si Nephi, ay labis na pinagpala ng Panginoon. [i]1304[/i]