At nang makita ng aking mga kapatid na ako ay magsisimulang gumawa ng sasakyang-dagat, sila ay nagsimulang bumulung-bulong laban sa akin, sinasabing:
Ang ating kapatid ay isang hangal, [i]2217[/i] sapagkat inaakala niya na siya ay makagagawa ng isang sasakyang-dagat; oo, at inaakala rin niyang makatatawid siya sa malawak na tubig na ito.
At sa gayon dumaing ang aking mga kapatid laban sa akin, [i]2682[/i] at nagnais na huwag silang gumawa, sapagkat hindi sila naniwala na ako ay makagagawa ng isang sasakyang-dagat; ni sila ay maniwala na ako ay inatasan ng Panginoon. [i]1319[/i] [i]2680[/i]