At ito ay nangyari na, na habang ako, si Nephi, ay yumaon upang mangaso ng makakain, masdan, nabali ko ang aking busog [i]1029[/i] [i]2199[/i] [i]2672[/i] [i]1147[/i] na yari sa purong asero; at matapos na mabali ko ang aking busog, masdan, ang aking mga kapatid ay nagalit sa akin dahil sa pagkabali ng aking busog, sapagkat hindi kami nakakuha ng makakain. At ito ay nangyari na, na kami ay bumalik sa aming mga mag-anak nang walang dalang pagkain, at dahil sa labis na pagkapagod, dala ng kanilang paglalakbay, sila ay lubhang nahirapan dahil sa kawalan ng pagkain.