Ngayon, nang marinig ni haring Noe ang mga salitang sinabi ni Abinadi sa mga tao, na napoot din siya; at sinabi niya:
Sino si Abinadi, na ako at ang aking mga tao ay hahatulan niya, o sino ang Panginoon, na magpapataw ng malupit na pagpapahirap sa aking mga tao? Inuutusan ko kayong dalhin dito si Abinadi, upang mapatay ko siya, sapagkat sinabi niya ang mga bagay na ito upang pukawin niya ang aking mga tao na magalit sa isa’t isa, at lumikha ng mga alitan sa aking mga tao; kaya nga, siya ay papatayin ko.
Ngayon, ang mga mata ng mga tao ay nabubulagan; samakatwid, pinatigas nila ang kanilang mga puso laban sa mga salita ni Abinadi, at pinagsikapan nila mula noon na dakpin siya. At pinatigas ni haring Noe ang kanyang puso laban sa salita ng Panginoon, at hindi siya nagsisi sa kanyang masasamang gawa.